SEOUL (AP/AFP) — Hindi mahawi ang ngiti ni North Korean leader Kim Jong Un sa pagkabalisa ng mundo sa pagpakawala ng kanyang bansa ng unang intercontinental ballistic missile (ICBM), at nangako kahapon na hinding-hindi aabandonahin ang nuclear weapons at mas marami pang “gift packages” ng missile at atomic tests para sa Washington.

Sumagot ang mga puwersa ng United States at South Korea sa pagbaril ng “deep strike” precision missiles sa dagat na sakop ng teritoryo ng Seoul.

Iniutos ni South Korean President Moon Jae-in ang drills kasama ang U.S. para ipakita sa “North Korea our firm combined missile response posture,’’ sinabi ng kanyang opisina.

Nagpatawag ang United Nations Security Council ng emergency session kasama ang United States, Japan at South Korea para pag-usapan ang mas mahigpit na hakbang laban sa Democratic People’s Republic of Korea (DPRK).

Sigaw ni Sen. Risa: 'Mananagot ka, Apollo Quiboloy!'

Iniulat ng state media ng North nitong Miyerkules na si Kim ay “feasting his eyes” sa ICBM, na kayang magdala ng malalaking nuclear warhead, bago ito pakawalan. “With a broad smile on his face,’’ hinimok ni Kim ang kanyang mga scientist na “frequently send big and small ‘gift packages’ to the Yankees,’” saad sa ulat.

Masaya rin ang North na nangyari ang test habang ipinagdiriwang ng America ang kanyang Independence Day.

Kinondena ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang ICBM test ng North at hinimok itong tumigil.

“This action is yet another brazen violation of Security Council resolutions and constitutes a dangerous escalation of the situation,” pahayag ni Guterres.