Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Fil Oil Flying B)

10 m.u. -- Café Lupe vs Megabuilders

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

1 n.h. -- Sta. Elena vs Air Force

4 n.h. -- Pocari Sweat vs Perlas-BanKo

6:30 n.g. -- BaliPure vs Creamline

MAGTUTUOS ang Creamline at BaliPure, habang makakatunggali ng Pocari Sweat ang Perlas-BanKo sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nagwagi ang Cool Smashers kontra Akari-Adamson ,25-17, 18-25, 25-15, 25-22, noong Sabado sa opener pero sa pagkakataong ito kailangan ng tropa nina Alyssa Valdez na mas maging matikas sa kanilang service receives, sa pagsagupa nila sa Water Defenders sa huling laro ngayong 6:30 ng gabi.

Sa panig ng BaliPure , kinailangan nitong humabol mula sa 1-2 set na pagkakaiwan para talunin ang Power Smashers, 25-15, 22-25, 20-25, 25-19, 15-6 noong Linggo.

Sisikapin ng Water Defenders na maipagpatuloy ang naging dominasyon kontra Creamline noong nakaraang Reinforced Conference.

Muling aabangan ang pagtatapat ng dalawang league power-hitters na sina Valdez at Grethcel Soltones.

Mauuna rito, tatangkain ng Pocari na masundan ang naitalang panalo kontra University of the Philippines( 21-25, 25-20, 25-18, 25-21,) noong Linggo ng gabi sa pagtutuos nila ng Perlas-Banko Spikers ganap na 4 :00 ng hapon.