NI: Mary Ann Santiago

Kapwa sugatan ang isang pulis at isang retiradong US Navy, gayundin ang bayaw nito, nang magduwelo at magbarilan dahil sa away-trapiko sa Rodriguez, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital sina PO2 Rodel Dela Cruz, nakatalaga sa Northern Police District (NPD), na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa magkabilang binti, at Narson Francisco, isang retiradong US Navy, na nagtamo ng tama sa leeg gayundin ang bayaw niya na si Robert de Pedro, na tinamaan ng ligaw na bala sa likod at kilikili.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente sa Metro Manila Hills Subdivision, sa Barangay San Jose, dakong 11:30 ng gabi.

National

3 suspek sa pagkidnap at pagpaslang kay Anson Que, driver nasakote na!

Una rito, nag-counterflow umano si Francisco, na sakay sa kanyang Toyota Vios, para iwasan ang humps sa kalsada.

Nagkataong nakasalubong niya si Dela Cruz, na sakay naman sa kanyang Mitsubishi Mirage, at nauwi sa pagtatalo at suntukan.

Hindi pa nasiyahan, kapwa bumalik sa kani-kanilang sasakyan ang dalawa at kinuha ang kani-kanilang baril at saka nagduwelo.

Minalas namang tamaan ng ligaw na bala si De Pedro, na umaawat lang sa kanyang bayaw, habang hindi naman nadamay ang buntis na asawa ng pulis.

Iniimbestigahan na ng awtoridad ang insidente.