Ni: Beth Camia

Inatasan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa nangyaring pagpatay sa limang magkakaanak sa San Jose Del Monte City sa Bulacan.

Ito ay upang mapalakas ang asunto laban sa suspek sa pagpaslang sa mga biktimang sina Auring Dizon, Estrella Dizon, at tatlong batang anak ng huli, nitong Hulyo 27.

Ayon kay Aguirre, kapag natapos na ang imbestigasyon ay kaagad na isusumite ng NBI ang ulat nito sa Department of Justice (DoJ).

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaan na tanging ang padre de pamilya lamang ng pamilya Carlos na si Dexter ang natira sa mag-anak dahil nasa trabaho siya nang mangyari ang krimen.

Sa ngayon, isang suspek pa lamang, ang 26-anyos na construction worker na si Carmelino Ibañez, ang hawak ng mga pulis na umamin mismo sa ginawang krimen.

Gayunman, hindi kumbinsido si Dexter na si Ibañez lamang ang gumawa ng krimen.