Ni NORA CALDERON

TWO years nang magkakilala sina Marian Rivera at Maine Mendoza, na parehong talent ng Triple A Agency na pag-aari rin ni Mr. Antonio Tuviera, popularly known as Mr. T, bukod pa sa TAPE ng Eat Bulaga at sa movie arm nitong APT Entertainment, Inc.

Marian Maine GMA TL copy copy

Nagkasundo agad sina Marian at Maine maging noong una pa lang nilang pagkikita sa trade launch ng GMA Network two years ago, lalo pa at starstruck sa una ang huli.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kaya hindi kataka-taka na madalas silang magkatsikahan ngayon. Nabanggit noon ni Marian na parang nakikita niya ang sarili niya kay Maine, mabait pero palaban. Noong isang araw, nag-post si Marian tungkol sa usapan nila ni Maine na gusto nitong mag-order ng preserved flowers ng Flora Vida by Marian, pero sinabi ni Marian na huwag na raw, bibigyan na lang niya ang dalaga ng gusto nitong bulaklak. 

Iyong iba pa nilang pinag-usapan, hindi na nabasa dahil blurred na ang post. Hindi raw kaya pinag-uusapan ng dalawa si Alden Richards, na madalas ilaglag ni Marian na co-host niya sa kanilang Sunday Pinasaya kapag nababanggit si Maine?

At true enough, nitong Sunday, ipinost ni Maine sa kanyang Instagram story ang arrangement ng five yellow roses na nasa glass dome at ang caption niya, ‘Thank you @marianrivera @floravidabymarian.” Alam kasi ni Marian na yellow ang favorite color ni Maine.

Samantala, habang naghahanda na sina Maine at Alden para sa next movie nilang gagawin sa APT Entertainment, busy na rin ngayon si Maine sa paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng franchise niya ng food chain na ini-endorse niya.

Nakatakda na itong mag-open sa second week ng August.