Ni: Marivic Awitan

HINDI man nakuha ang Best Player of the Conference matapos matalo sa kasanggang si Chris Ross, tinanghal naman Most Valuable Players sa Finals si guard Alex Cabagnot.

Dahil sa kanyang kagila -gilalas na laro, nakuha ni Cabagnot ang pinamataas na parangal sa indibidwal sa championship series. Naitala niya ang averagee 20.3 puntos, 8.0 rebound, 5.8 assist at 1.3 steal sa series na tinampukan ng kanyang triple-double performance na 19 puntos, 12 rebound, at 11 assist sa Game 6 kung saan tinapos ng Beermen ang best-of-seven series.

Ang unang local player na nakagawa nito sa Final series ay ang retirado nang si Willie Miller noong 2005 Philippine Cup sa naitalang 22 puntos, 10 rebound at 10 assist para sa Talk N Text.

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!

“I’m glad that it worked out. I’m glad that God blessed us with this championship,” pahayag ni Cabagnot kasabay ang taos pusong pasasalamat sa mga fans, sa SMB management, sa kanyang mga teammates at sa coaching staff sa pangunguna ni head coach Leo Austria sa suporta at tiwalang ibinigay sa kanya.

Dahil sa panalo, kinakailangan na lamang ng Beermen na madomina rin ang susunod na Governors Cup upang makamit ang inaasam na Grand Slam.

Ngunit sa ngayon, gaya ng iba pa niyang kasangga, nais muna ni Cabagnot na namnamin ang tamis ng kanilang panalo at ma -enjoy ang maikling pahinga bago muling sumalang sa season ending third conference na magsisimula sa Hulyo 19.