Ni Jimi Escala

LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Kathryn Bernado sa lahat ng mga sumusuporta sa bagong teleserye nila ni Daniel Padilla.

Napakataas kasi ng ratings ng La Luna Sangre sa ABS-CBN at inilalampaso nito ang katapat na programa.

KATHRYN copy copy

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Banggit ni Kath, sulit na sulit ang lahat ng pagod at sobrang hirap na nararanasan nila sa serye sa natatanggap nilang magagandang feedback.

“Ang pagkaroon ng mga pasa or sa mga harness pero gusto ko siyang matutunan pa at ang hindi mo mararamdaman ‘yung sakit kapag nandoon ka na sa eksena kasi intense ang lahat. Okey lang naman ang magkaroon ng pasa kung ganyan naman kaganda ang kinalalabasan,” sey ni Kath.

Pero hindi naman okay kay Daniel na nagkakapasa-pasa si Kathryn. Ikinuwento ng aktres na napaka-protective sa kanya ng binata.

“Grabe siya ka-protective kahit saan naman kami magpunta pero hindi lang naman sa akin, sa mga kapatid niya at kahit kay Tita Karla (Estrada), kahit sa mama ko, sa lahat ng taong espesyal sa kanya,” lahad ng dalaga.

Samantala, masayang-masaya si Kathryn ngayong magkakaroon na ng katuparan ang pangarap niyang makapagpagawa ng sariling bahay. Matagal na kasi niya gustong makabili o makapagtayo ng kanyang dream house.

“Finally, my dream house, pero we’re just starting pa lang naman. Nasa planning and all. Hands on kasi ako at ayaw kong madaliin kasi it’s my dream house, so gusto ko i-take ‘yung time ko and exciting talaga,” sabi pa ni Ms. Kathryn Bernardo.