Ni REGGEE BONOAN

PANAY ang tawanan ng entertainment press sa grand presscon ng Kita Kita dahil idinaan lahat sa biro nina Direk Joyce Bernal, Direk Sigrid Andrea Bernardo, Empoy Marquez at Alessandra de Rossi ang mga sagot nila tungkol sa pelikula. Si Piolo Pascual lang ang seryoso sa grupo bilang isa sa producers ng Spring Films.

Sa panayam ng ilang reporters kay Direk Joyce pagkatapos ng Q and A, tinanong siya tungkol reaksiyon niya sa ratings war ng La Luna Sangre at My Love From The Star na idinidirihe niya.

DIREK JOYCE copy

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

“Dinedma na lang namin at bahala na si God,” sagot ni Direk Joyce. “May vigil kami mamaya (tawanan ang lahat), actually, ganu’n naman ang kumpetisyon and ‘yung unang nakatapat naming (My Deart Heart), kaibigan ko si Bela (Padilla), ganu’n lang at wala namang problema.

“At saka problema na ng network ‘yung ratings, hindi ko siya talaga problema. Ang gusto ko lang, maayos ko ‘yung My Love From The Star, maayos ko si Gil (Cuerva), maayos ko si Jennylyn (Mercado), ‘yun lang.”

Napaisip muna bago sumagot si Direk Joyce nang tanungin namin kung nanalo na ba sila sa ratings simula noong umere sila at ang La Luna Sangre?

“Hindi? Hindi nga? Ano ba’ng ratings n’yo, baka ratings ng ABS (CBN-Kantar Media), kasi ratings naming (AGB Nielsen), magkaiba kasi. Ratings kasi namin, kasabay ni Duterte (sabay muwestrang mataas),” birong seryoso ng director.

‘Seryoso na, Direk, pinapanood mo ba ang La Luna Sangre?

“Hindi. Hindi ako nanonood ng soap ko saka ng iba, hindi ako nanonood ng TV masyado. Ang tanda (ko), CNN kasi ang pinapanood ko,” sagot sa amin ni Bb. Joyce.

Inamin niya na plano nilang lampasan ang orihinal na koreanovelang My Love From The Star.

“Well, ang goal talaga namin is malagpasan ‘yung original, at ‘pag hindi umabot, at least quits kami, parang ganu’n.

At saka Pilipino, ‘yung Korean na drama hindi ‘yan nalalayo sa Pilipino, so madali siyang i-adapt,” sabi ng direktora.

Ano ang tingin niya sa baguhang actor na si Gil Cuerva?

“Ah, si Gil, gusto niya ‘yung ginagawa niya, gusto niya talagang maging artista, so gagawin niya lahat kahit ano,” sagot ni Direk.

May ‘K’ ba itong maging artista?

“Parang... parang papunta na?” alanganing sagot sa amin.

Ano ang tingin niya sa performance ni Gil bilang baguhan?

“Ha? Hmmm, getting there, yes getting there,” nag-iisip uling sagot ng MLFTS director.

Napapagalitan ba niya ito kahit na magkasama sila sa Cornerstone Entertainment?

“Oo, siyempre. Minsan nasabi ko sa kanya, siguro nagagalingan kami sa ‘yo kasi wala kaming expectation, pero as we progress, and we’re on fifth week, mayroon nang hahanapin ang audience, meron na silang expectation kaya kailangan mo nang i-level up ‘yung sarili mo! Sabi naman niya, ‘Yes, Direk’.”

Masunurin at nagtatanong daw si Gil at willing matuto.