85 families are rendered homeless after a fire razed 15 houses in Barangay 598 Zone 59, Sta. Clara, Old Manila, Sta. Mesa before dawn Saturday. Authorities are still trying to determine the cause of the conflagration which reached the 5th alarm. ( Jun Ryan Arañas )

Ni: Mary Ann Santiago

Aabot sa 85 pamilya ang nawalan ng bahay sa pagsiklab ng sunog sa isang residential area sa Old Sta. Mesa, Maynila kahapon.

Ayon sa Manila Fire Department (MFD), nagsimula ang sunog, na umabot sa ikalimang alarma, sa ikalawang palapag ng bahay ni Remedios Baxlagon Angeles sa Sta. Clara Street, dakong 4:01 ng madaling araw.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Ayon kay Auria Castro, residente, nagwawalis siya nang makarinig ng sumisigaw ng sunog at habang inaapula ay nakarinig siya ng dalawang beses na pagsabog.

Walang iniulat na nasawi o nasaktan sa sunog na naapula dakong 6:16 ng umaga.

Inaalam na ang sanhi gayundin ang halaga ng mga natupok na ari-arian.