Marian, kasama sina Zia, lola at ina copy

Ni Nitz Miralles

NAG-FIRST taping day na kahapon si Marian Rivera para sa teleserye niyang The Good Teacher. Pero bago mag-taping, nag-bonding muna ang aktres kasama ang mother, lola, at ang anak na si Zia.

Ipinost ni Marian ang picture nilang apat nang magsimba sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park at nilagyan ng caption na, “Bonding with Nanay, Mama & My baby love Z... Back to work na si Nanay bukas!

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

#FirstTapingDayTomorrow.”

Si LA Madridejos ang director ng The Good Teacher, fresh from the successful airing of Meant To Be. Kasama ni Marian sa cast sina Helen Gamboa, Kristoffer Martin, Jerald Napoles, Jillian Ward, Kim Domingo, Ash Ortega, Enrico Cuenca at Al Tantay. Nabalitang ang Fil-Am hunk na si Matthias Rhoads ang makakapareha rito ni Marian.

Samantala, nang mag-shopping pala si Marian sa Toy R Us na nasa isang mall sa Tagaytay, isinara pansamantala ang tindahan dahil marami ang gustong makapasok kahit hindi bibili, para lang makita siya. Para rin maayos na makapamili ng toys para kay Zia, kaya isinara pansamantala ang Toys R Us.