Ni: Leandro Alborote
TARLAC CITY – Apat na katao ang iniulat na nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Tarlac Toll Plaza Entry sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) sa bahagi ng Barangay Bantog, Tarlac City, nitong Huwebes ng madaling araw.
Sa ulat ni SPO1 Alexander Siron, kinilala ang mga nasugatan na sina Jovita Estavillo, 36, may asawa, driver ng Toyota Hi-Lux pick-up (ACL-2160), ng Currimao, Ilocos Norte; Arnold Siador, 44, may asawa, driver ng isa pang sasakyan at taga-Aritao, Nueva Vizcaya, habang sangkot din sa karambola ang isang Dominion Bus (UVS-493), ng Narvacan, Ilocos Sur.
Sugatan din ang mga sakay sa pick-up na sina Lilian Siador, 44; at Arianne Louise May Siador.