Ni NORA CALDERON

NASAGOT na ang tanong ng fans kung totoong papasok si Alden Richards sa Mulawin vs Ravena (MVR) ng GMA-7.

Ipinipilit ng fans na papasok sa telefantasya si Alden dahil may posts daw na naka-costume siya. May mga nagtanong din sa amin, kaya inusisa namin kay Direk Dominic Zapata kung maggi-guest nga si Alden sa kanila. Ayon kay Direk Dom, wala siyang alam at walang sinasabi sa kanya ang production kung may character na gagampanan si Alden sa kanila.

Nasagot ang mga katanungan nitong Miyerkules, a few hours bago bumalik ng Pilipinas from Hong Kong si Alden at ang Dabarkads ng Eat Bulaga nang si Alden mismo ang mag-tweet ng, “Tapos na ang inyong paghihintay”. Tungkol ito sa bagong TV commercial na ginawa niya para sa isang pamosong food chain na may hashtag na #MeronNaNgayon. Siya si Prinsipe Cariñoso. Napanood na sa YouTube ang TVC at shown nationwide dahil ipinalabas na rin sa Eat Bulaga at iba pang shows ng GMA-7.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Samantala, habang nasa Hong Kong si Alden, lumabas din ang balita na magpu-produce siya ng dalawang gabing show ng musical play na Caredivas na isa sa cast ang best friend at tinatawag niyang ‘kambal’ ang mahusay na stage actor na si Jerald Napoles matapos ang more than a year na itinampok siya sa musical na “Rak of Aegis” sa PETA Theater.

Muli ngang babalik si Jerald sa stage at ang ipu-produce ni Alden ay mapapanood sa July 16 (Sunday) at July 22 (Saturday). Both presentations ay mapapanood ng 8:00PM sa PETA Theater pa rin. At last Wednesday, balitang sold-out na ang VIP seats para sa July 16 performance at mabenta rin ang iba pang seats.