Ni: Mary Ann Santiago

Hindi pa aprubado sa Department of Tourism (DOT) ang planong pagtatayo ng Coral World Park ng Nickelodeon sa Palawan, dahil kailangan pa ang pag-apruba ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng pamahalaang lokal.

Nilinaw ito ng DOT matapos batikusin ng Haribon Foundation for the Conservation of Natural Resources Inc., si Tourism Secretary Wanda Teo sa diumano’y pagsusuporta sa pagtatayo ng Coral World Park sa Coron.

Sa isang kalatas mula sa Japan, kung saan pinangungunahan niya ang delegasyon ng 70-katao para isulong ang turismo sa Pilipinas, tiniyak ni Teo sa Haribon Foundation at iba pang environmental groups na prayoridad nila ang pagpoprotekta sa kalikasan.

Tsika at Intriga

'Nothing left for me to do but dance!' Latest post ni Daniel Padilla, umani ng reaksiyon

“We must see first if the project proponents can make good on their assurance to us that their project will not damage the environment, and that this will have a strong positive impact on the people of Palawan. The primary agencies to determine this are the DENR and the Palawan local governments, and we will defer to their assessment,” ani Teo.