Ni: Orly L. Barcala

Kalaboso ang 50-anyos na lalaki matapos ireklamo ng kanyang kapitbahay sa tangkang panghahalay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong attempted rape si Ernest Dulap, ng No. 135 P. Yanga Street, Barangay Maysilo ng nasabing lungsod, matapos ireklamo ng kanyang kapitbahay, 83.

Sa report ni PO2 Diana C. Palmones, ng Women’s and Children Concerned Desk (WCCD), pinasok ng suspek ang kuwarto ng biktima, bandang 6:00 ng gabi.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Hinawakan umano ni Dulap ang mga kamay ng biktima at binulungan na tabi silang matulog.

Naulinigan ni “Emily,” anak ng biktima, ang ingay na nagmula sa kuwarto ng kanyang nanay at nang pasukin, bumungad ang nakahubad na suspek.

Dahil dito, nagpasaklolo si Emily sa Police Community Precinct (PCP) 1 at ipinakulong si Dulap.