Ni DIANARA ALEGRE

KUMPIRMADO nang magbabalik sa Pilipinas ang pop superstar na si Justin Bieber.

Kabilang ang Pilipinas sa ikatlong purpose worldwide tour ni Bieber. Gaganapin sa Setyembre 30 ang concert niya sa Philippine Arena, Cuidad de Victoria Complex, Bocaue Bulacan, simula alas otso ng gabi.

JUSTIN BIEBER copy

BALITAkutan

Hindi arte lang! Mga artistang nakaranas ng legit na kababalaghan

Hindi na magkandaugaga ang fans ng Canadian superstar nang malaman na babalik sa Pilipinas ang young singer.

Kalalabas pa lamang ng balitang ito pero nagkakagulo na ang fans sa social media

Naririto ang ilang posts:

Michelle ♡‏ @annecmx @justinbieber live in Manila on September 30! I’m freaking out!! #PurposeTour #PurposeTourMNL

Angel Dei‏ @angeldei_ Ok I just heard Justin Bieber will have his Purpose Tour here in the Philippines.... KIDNEY FOR SALE TAPAT NA PO

Huling naghatid ng saya at kilig sa head over heels na Pinoy fans si Biebier noong May 2011 nang mag-concert siya sa SM Mall of Asia Open Grounds.

Mabibili ang tickets ng concert niya simula Hulyo 9 sa SM Ticket outlets.