Atom_ lang copy

Ni ADOR SALUTA

NAPAPANOOD na sa wakas sa social media ang trailer ng Citizen Jake na comeback film ng legendary pero reclusive filmmaker na si Direk Mike de Leon. Pinagbibidahan ng Umagang Kayganda news anchor na si Atom Araullo ang Citizen Jake.

Ito ang unang pagsubok ni Atom sa larangan ng pag-arte bagamat matagal na siyang inaalok na pumalaot sa showbiz, pero hindi pa siya handa noon.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Atom plays the role of Jake Herrera, a journalist, isang karakter na malapit siyempre sa puso at propesyon niya.

Sa pahayag ni Direk Mike sa isa sa napakabihirang interview sa kanya, sinabi niya na risk ang pagpili niya kay Atom, na real-life journalist na magpo-portray ng reel journalist. Bagay na bagay daw kasi ang role kay Atom at wala siyang ibang naiisip na gaganap na Jake sa kanyang pagbabalik-showbiz bilang direktor. Ang huling pelikulang ginawa ni Mike ay Bayaning 3rd World noong 2009.

Makakasama ni Atom sa bigating cast sina Gabby Eigenmann, Nonie Buencamino, Cherie Gil, Dina Bonnevie, Victor Neri, Lou Veloso at marami pang iba.