Ni JIMI ESCALA

LALO kaming humanga kay Shaina Magdayao hindi lang dahil sa mahusay na pagganap niya sa The Better Half na tinututukan namin ngayon tuwing hapon kundi sa revelation niya na may “calling” siya para maglingkod sa Diyos bilang madre.

Naisip na niya noon na mag-quit sa showbiz para pumasok sa kumbento.

sHAINA copy

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“Sa totoo lang, four years ago, eh, naisip ko na magmadre. Parang pakiramdam ko, eh, may calling ako to serve. And at that time, eh, malapit kasi ako sa mga madre at hanggang ngayon naman, eh, malapit ako sa kanila,” kuwento ng dalaga.

Pero hindi siya natuloy dahil showbiz pa rin ang pinili niya.

“Alam naman nila na makailang beses ko nang sinabi noon na ayoko na sa showbiz. Kumbaga, gusto ko nang mag-quit at magmamadre na lang ako pero wala, eh, laging may darating na trabaho,” pailing-iling pang banggit ng aktres.

Pero kahit medyo malabo nang ipagpatuloy ni Shaina ang kanyang bokasyon, naisip niyang magtayo ng foundation na tutulong sa mga nangangailangan.

Matagal na niyang dream ang kanyang Smile Cares.

“I guess naman na you don’t really have to be a nun to serve. May ibang paraan din naman ang paglilingkod sa Diyos.

So ito ‘yung pnagkakaabalahan ko sa ngayon,” sey ng bida ng The Better Half.

Kasama ni Shaina sa pagtatatag ng foundation ang friends niyang non-showbiz moms. Nakikipagtulungan din sila sa Yes Pinoy Foundation ni Dingdong Dantes.

May nag-donate na agad ng isang ektaryang lupa sa kanila.

“Ang laking tulong na, I feel useful na maski hindi na ako mag-aartista, eh, parang ang feeling ko through the foundation I’ll be able to serve also,” sey pa ni Shaina.

Lahad pa ni Shaina, hindi pa niya alam kung tuloy pa rin ang buhay-showbiz niya pagkatapos ng The Better Half.

“I’m under contract kasi with ABS-CBN, so wala akong choice. But I have one more year pa but that’s one more year, let’s see what will happen after,” napangiting banggit ng dalaga.