NI: Reggee Bonoan

“A good morning indeed!! Came from a delayed flight from Cebu, went straight to #runrio2017 just to get that 21k finisher medal waiting at the finish line!!! Thanks again ate@rainyeyet @goldsgymphilippines for pacing me on that solid run!!! yay!! We did it!!! #GoformedalsKSYC.”

Kim chiu copy

Ito ang masayang post ni Kim Chiu sa Instagram nitong nakaraang Linggo na may picture ng medalyang tinanggap niya sa RUNRIO Trilogy Half Marathon Leg 1, Okada, Manila.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa isa pang ng litrato, suot na ni Kim ang medalya at may caption na, “#RunRio2017 leg 1 21k finisher!!! had so much fun!!! Just beat my personal record 2:30 mins from 2:55 mins the last time!!! Happy me!! Time to get some sleep!!

Mukhang antok na picture ko eh!! Goodnight! Have a great Sunday!#goformedalsKSYC”

Panibagong medalya ang natanggap ni Kim simula noong tumatakbo siya kaya, kapag napapanood namin ang seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin nila ni Gerald Anderson ay feeling namin totoo na talaga ang kuwento ng serye.

Anyway, sa serye, mukhang alam na ni Maila (Bing Loyzaga) kung sino ang bumugbog sa kanya para hindi siya makasali sa Southeast Asian Games noon dahil napilay siya at dahil din sa banta ni Rigor (Daniel Fernando).

Maging ang ina ni Rigor na si Lydia (Gina Pareño) ay may alam na rin na anak niya ang pumilay sa nanay ni Kim (Bianca).

Ano kaya ang gagawin ni Gabriel (Gerald) kapag nalaman niya na ang kinikilala niyang ama (Rigor) ang naging dahilan kaya naging baldado ang ina ng babaeng mahal niya?

Andami-daming lihim na natutuklasan sa Ikaw Lang Ang Iibigin kaya hindi makabitiw ang mga manonood nito.