MIRANDA KERR copy

Ni: Yahoo Celebrity

IBINALIK ng supermodel na si Miranda Kerr ang mga alahas na ibinigay sa kanya ng kanyang ex! Pero hindi sa mismong dating karelasyon kundi sa U.S. Justice Department niya isinuko ang mga alahas na nagkakahalga $8.1 million.

Ang mga ito ay mula sa kanyang Malaysian fiancier ex-boyfriend na si Jho Low, na naakusahang nagnakaw sa gobyerno ng Malaysia para mabili ang mga mamahaling alahas. Kasama sa nagkikintabang mga alahas ang 8.8-carat diamond pendant na likha ng designer na si Lorraine Schwartz na nagkakahalaga ng $3.8 million.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagsimula ang relasyon nina Kerr at Low noong 2014, ngunit nitong nakaraang Mayo, nagpakasal na si Miranda kay Evan Spiegel, ang CEO ng Snapchat. Kasalukuyang iniimbestigahan ngayon si Low dahil sa kanyang pagkakadawit sa major corruption scandal sa Malaysia.

“From the start of the inquiry, Miranda Kerr cooperated fully and pledged to turn over the gifts of jewelry to the government. Ms. Kerr will continue to assist with the inquiry in any way she can,” salaysay ng spokesman ng Australian model sa Dow Jones newswires.