Ni: Light A. Nolasco

ZARAGOZA, Nueva Ecija - Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga manggagawa at bomb disposal team mula sa Philippine Army sa 79 na mortar shell rounds na nahukay sa compound ng munisipyo sa Barangay Gen. Luna sa bayan ng Zaragoza, Nueva Ecija.

Ayon kay Rogelio Caliboso, 39, construction worker, naghuhukay sila para sa gagawing pundasyon ng mga poste nang matagpuan nila ang 31 piraso ng mortar shells bandang 8:00 ng umaga nitong Sabado, na kaagad ipinarating sa Explosives & Ordnance Division ng 7th Infantry Division ng Philippine Army sa Palayan City.

Kinabukasan, may 48 mortar shell pang nahukay sa ginagawang evacuation center sa bakuran pa rin ng munisipyo.

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu