Ni NITZ MIRALLES

SA presscon ng Haplos mamaya, tiyak na matatanong na naman sina Rocco Nacino at Sanya Lopez sa status ng kanilang relasyon. Hindi nagsasawa ang press people na kumustahin ang dalawa kung nag-level-up na ba ang kanilang love team relationship.

Rocco at Sanya copy

Hindi rin nagsasawa sina Rocco at Sanya sa pagsasabing sa ngayon, mas magandang magka-love team at magkatrabaho muna sila bago maging magkasintahan, kung matutuloy man sila roon. Walang hassle ang ganoong relasyon at samahan pa ng pagiging magkaibigan.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Masaya ang dalawa na muli silang pinagtambal ng GMA-7 at hindi lang para sa pangkabuhayan nila ang Haplos, para rin ito sa kanilang fans na nabuo nang pagtambalin sila sa Encantadia. Marami ang nag-request ng follow-up project at ito na nga ‘yun.

“I’m happy that I’m working with Sanya again. I’ve always told her that I’ll be behind her, para tulungan siya.

There’s a lot of pressure on her side since nabigyan siya ng break and being a newcomer, it’s double the pressure for her,” sabi ni Rocco.

Sa July 10 ang pilot ng Haplos, papalit sa D’ Originals sa direction ni Gil Tejada na subok na ang husay sa pagdidirehe ng drama.

Kabilang sa kasama sa cast si Celia Rodriguezna for sure, na-pressure si Sanya. Narito rin siEmilio Garcia na pumalit sa kay Tonton Gutierrez. Hindi natuloy si Tonton kahit dumalo sa storycon dahil nalamang nasa cast siya ng The Promise of Forever ng ABS-CBN na sabi, sa afternoon slot ilalagay. Baka nga naman magkasabay ang airing ng dalawang show at ito ang iniwasan ng GMA-7.