Ni Brian Yalung

Sa edad na pitong taon, tila walang kalalagyan ang Pinay na si Ayasofya Vittoria Aguirre laban sa mas malalaki at matatandang karibal.

Untitled-1 copy

Ngunit, sa pagtatapos ng kanyang kampanya sa Skate Japan 2017, isa siyang ganap na kampeon.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Pinahanga ni Aguirre ang manonood at tagahanga sa Saitama Ice Arena sa Ageo City sa kahanga-hangang porma at galaw para makopo ang tatlong ginto at isang silver medal, sapat para tanghaling overall champion sa artistic event.

Kabilang sa mga karibal ni Aguirre ang mga skaters mula sa bansang bahagi na ang pamumuhay ang laro sa ice skating tulad ng host Japan, at China, gayundin ang Indonesia, Hong Kong, Indonesia, Malaysia, at Thailand.

Ginapi ni Aguirre ang 13-anyos na Indonesian skater na si Ivana

Antoinette Michaela sa Footwork elements para sa kanyang unang gintong medalya.

Nagwagi siya sa Technical elements laban sa karibal mula sa Hong Kong.

Bukod kay Aguirre, ang iba pang batang Pinay na sumabak sa torneo ay sina seven-year-old Shaelynn Adrianne Bolos (tatlong ginto at isang silver), 8-year-old Hossana Immanuela Valdez (tatlong ginto), 11-year-old Mishka Bolos (dalawang ginto at isang 1 silver), 12-year-old Maegan Ramos (isang ginto at isang silver) at 13-year-old Yuria Yumoto (dalawang silver).

Si Hossana Immanuela ay anak ni dating national bowler Paolo Valdez.

Suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pamamagitan ng Philippine Sports Institute (PSI) na pinamumunuan ni sports director Marc Velasco, ang koponan ay ginabayan ni coach Jay Futalan ng Philippine Center for Sports Medicine (PCSM).

“I also believe emerging athletes should be guided by parents as much as possible. I made a big sacrifice giving up my full-time job, just to monitor her progress. I remember the comment of our Rio Olympian.

Hidilyn Diaz during my daughter's session with their conditioning coach Jay Futalan where she envied us because she saw how supportive we were to our daughter,” pahayag ni Arnold Aguirre, ama ni Ayasofya.