MAMIMIGAY ng cash at raffle na papremyo ang kauna-unahang PTT Run for Clean Energy sa July 16 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Grounds.

Mga android phones, mountain bike, 50 gift packs mula sa Leslie’s at first-aid kits mula sa Medicard ang mga nakatakdang mapanalunan sa adbokasiyang fun run na nananawagan sa malinis na enerhiya sa kapaligiran.

Ang proyektong ito na suportado ng Chris Sports, Philippine Charity Sweepstakes Office, Leslie's, the National Capital Region Athletic Association, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Emilio Aguinaldo College, Science in Sport, Medicard Foundation, Cafe Amazon, PTT Lubricants, Philippine Red Cross, Business Mirror at Business Mirror Health and Fitness Magazine, ay may misyon na palaganapin ang panawagan sa malinis na enerhiya sa pamamagitan ng sports.

Ang mga kategorya sa fun run ay 10k (P500), 5k (P300) and 3k (P220), kasama na ang race shirt, race bib at giveaways. Mananalo ng cash prizes at medalya ang mauunang tatlong finishers sa 10k at 5k. Lahat ng runners ay kuwalipikadong manalo sa raffle.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Registration ay sa Chris Sports SM Manila at isang oras oras bago magsimula ang kakera sa CCP Grounds.

Maaring tumawag sa mobile nos. 09182392009, 09953248315, at landline 9759584 para sa karagdagang detalye.

“It will be both a fun and competitive day at the CCP grounds,” pahayag ni Matt Ardina ng organising Subterranean Ideas.

“But this should not veer us away from the advocacy being promoted by this event, which is striving to save the planet in every which way we can through the clean power and energy that we use in our cars, industries and homes.”