Ni REGGEE BONOAN

KAHAPON ng tanghali ikinasal ni Makati City Mayor Abby Binay ang long-time partners na sina Drs. Vicki Belo at Hayden Kho sa kanilang Dasmariñas residence sa isang civil ceremony at ang anak nilang si Scarlet Snow ang flower girl.

scarlett Snow, Hayden, Dr

Sa pamamagitan ng IG post ni Dra. Belo namin nalaman na sampung minuto pa lang ang nakalilipas habang tinitipa namin ang balitang ito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sabi ni Dra. Belo sa kanyang post, “I was afraid that I would feel like I would lose my freedom by getting married.

Instead I feel joyful and free. Thank you #mayorabbybinay for officiating our civil wedding.”

Pawang magagandang pagbati ang nabasa naming komento para sa newly wed.

Samantala, hindi namin nakita sa litratong naka-post ang mga anak ni Dra. Vicki na sina Cristalle Henares-Pitt at Direk Quark Henares.

Kaya tinext namin kaagad si Direk Quark kung bakit wala siya at sinagot kami ng, “Nasa States ako, Reggee.”

Binati muna namin ng congratulations at best wishes ang bagong kasal sabay tanong kung bakit wala sina Direk Quark at Cristalle sa nasabing seremonya.

Pero habang tinitipa namin ito ay hindi pa kami sinasagot ni Dra. Vicki.

Baka naman sa church wedding ng dalawa sa Paris ngayong taon din makukumpleto ang pamilya nila.