Ni: Jun Fabon
Tumataginting na P10 milyon halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa bahay ni dating Marawi City Mayor Omar Solitario Ali.
Nadiskubre ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang kilo ng shabu sa ikalawang palapag ng bahay ni Solitario, tatlong kilometro ang layo mula sa combat zone kung saan sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at ng mga miyembro ng Maute.
Sa spot check at inisyal na pagsusuri ng PNP laboratory, kinumpirmang ilegal na droga ang nakumpiska sa bahay ng dating alkalde.
Matatandaang kabilang si Solitario sa listahan ng may arrest order na inilabas ng Department of National Defense, at sinasabing isa sa mga financier ng Maute Group.