Ni: Reggee Bonoan

KUMALAT kamakailan ang balita na si Enrique Gil ang magiging leading man ni Liza Soberano sa Darna kaya tuwang-tuwa ang LizQuen fans.

LIZA AT ENRIQUE copy copy copy

Pero agad itong klinaro ng taga-ABS-CBN na nakausap namin ni Bossing DMB, hindi raw si Enrique ang leading man ni Liza dahil may teleseryeng gagawin o ginagawa ang dalawa.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?

So, malabong pagsamahin sa dalawang project na halos magkasabay ang LizQuen Liza sa pelikulang Darna na ididirek ni Erik Matti.

Sabi pa sa amin ng taga-Dos, ‘Baka naman inililigaw lang para magkaroon pa rin ng mystery at huhulaan ng tao kung sino leading man ni Darna? Maniwala ka sa akin, hindi si Quen (Enrique).”

Hmmm, ikaw, Bossing DMB, naniniwala ka ba sa sinabi sa atin na hindi si Enrique ang leading man? (Reliable ang source, di ba? He-he... –DMB)

Anyway, speaking of LizQuen, sikat na sikat na rin pala ang dalawa sa iba’t ibang Asian countries dahil ipinapalabas na rin sa mga karatig-bansa natin ang mga teleserye at pelikula nila. At take note, hindi lang mga kababayan nating Pinoy ang tagahanga nila kaya kapag may personal appearance sila ay talagang dinudumog sila.