AYON sa mga taga-Viva, nagpunta ulit ng Korea si Boss Vic del Rosario last Sunday para makipagkita sa Korean business partners at plantsahin ang binubuong project.

Balak kasi ng Viva na makipag-co-venture sa Korean producers. Kaya ilang beses nang pabalik-balik sa naturang bansa si Boss Vic.

GONG YOO copy

Ang unang pelikula ay magtatampok sa It’s Showtime host na si Anne Curtis kasama ang isang Korean actor. Itinuturing ng aktres-TV host na dream project ito na gusto niyang matupad.

Tipid tips: Saan ka dadalhin ng ₱99 mo?

Wala pang pangalang binabanggit ang kampo ng Viva o kung sino ang Korean actor na makakatrabaho ni Anne, pero sikat daw ito maging sa Pilipinas at kilalang-kilala ng mga Pinoy na mahilig manood ng Korean drama.

Pero nanghuhula na ang madlang pipol na si Gong Yoo ito, ang bida sa Goblin series na napapanood ngayon sa ABS-CBN.

“Basta magugulat kayo. Aayusin ko lang,” pahayag ni Boss Vic.

Very vocal si Anne sa pagsasabing ultimate leading man niya si Gong Yoo na naging bida rin sa Train To Busan na nag-hit nang bonggang-bongga sa Pilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo.

Bukod sa tinatrabahong film project ni Boss Vic, nakuha rin ng Viva ang distribution ng isa sa pinakamala­king Korean period movie na Battleship Island na pinagbibidahan nina Song Joong-ki at So Ji-sub, ang dalawa sa mga pinakasikat ngayon sa Korea. Si Joong-ki ay bida ng sikat na K-drama na Descendants of the Sun samantalang bida naman si Ji-sub sa Oh My Venus.

Siguradong ikababaliw ng Pinoy fans ni Song Joong Ki at So Ji-sub ang balitang nakikipag-negotiate din si Boss Vic sa producer ng Battleship Island para makapunta sila sa ating bansa para i-promote ang pelikula.