Ni: Nora Calderon

ANG lungkot ng mga tagasubaybay ng Mulawin vs Ravena nitong nakaraang Miyerkules dahil tuluyan nang namatay si Alwina, ang itinuturing pa namang sugo at magliligtas sa Avila.

HEART copy copy

Ginagampanan ni Heart Evangelista si Alwina. Hindi siya nailigtas ni Gabriel (Dennis Trillo) sa kamatayan sa kamay ng nagseselos na si Reyna Rashana (Chynna Ortaleza). Ibinilin na lamang ni Alwina ang anak na si Almiro (Derrick Monasterio) kay Gabriel, na siyang magiging bagong sugo at magliligtas sa Avila.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Pero hindi naman dapat malungkot o mainip ang fans ni Heart dahil mapapanood din naman agad siya sa bagong serye.

Katunayan, paalis na siya para sa taping niya ng romantic-comedy series sa Seoul, South Korea. Tungkol ito sa love story ng isang Pinay at isang Korean guy na may title na My Korean Jagiya (boyfriend in English). Makakatambal ni Heart ang isang Korean actor na ayaw pang i-reveal ng GMA Network ang pangalan.

Si Direk Mark Reyes ang magdidirek ng My Korean Jagiya. Pagkatapos niyang idirek ang Encantadia ay nagpunta ng /Seoul, South Korea si Direk Mark para mag-ocular sa mga lugar na magiging location ng taping nila.

Makakatambal din ni Heart si Edgar Allan Guzman, kasama sina Janice de Belen, Iya Villania, Valeen Montenegro, Francis Makil, Jinri Park, Myke Salomon at Ricky Davao (na aarte naman pagkatapos magdirek ng Legally Blind.)