Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Fil Oil Flying V Center)

3:15 n.h. -- San Beda vs JRU

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

5:30 n.h. -- Lyceum vs De La Salle

PINATALSIK ng defending champion De La Salle University ang Group B top seed Far Eastern University, 78-53, sa knockout quarterfinals match nitong Miyerkules ng gabi sa Filoil Flying V Premier Pre-Season Cup sa Fil OiL Flying V Centre sa San Juan City.

Nagtala si reigning MVP Ben Mbala ng 32 puntos, 19 rebound, at dalawang block upang pamunuan ang nasabing panalo ng Green Archers.

Nag -ambag naman sina Aljun Melecio ng 13 puntos, tatlong rebound, at pitong assist at si Ricci Rivero na may 13 puntos, tatlong rebound at dalawang steal.

Namuno naman para sa Tamaraws sina Arvin Tolentino at Richard Escoto na may tig-10 puntos.

Makakasagupa ng La Salle sa semifinals ganap na 5:30 ngayong hapon ang Lyceum of the Philippines University na namayani kontra San Sebastian College,86-71.

Nanguna sa Pirates sina Spencer Pretty at CJ Perez na tumapos na may 17 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa isa pang semifinal pairings, magtutuos ang reigning NCAA champion San Beda at kapwa NCAA squad Jose Rizal University ganap na 3:15 ng hapon.

Tinalo ng Red Lions, sa pangunguna ni Robert Bolick na umiskor ng 17-puntos ang University of the Philippines, 65-56.

Umusad sa unang pagkakataon sa semis ang Heavy Bombers matapos igupo ang Adamson University, 67-56 sa pangunguna ni Teytey Teodoro na umiskor ng 23-puntos.