Ni JIMI ESCALA
NALAMAN namin mula sa taong malapit sa sikat at premyadong TV host ang tunay na dahilan kung bakit bigla itong nag-resign sa isang game show na ilang linggo pa lang nitong hinu-host. Medyo mataas ang rating ang nabanggit na game show at malaking ambag ang kahusayan ng TV host.
Kuwento ng source, hindi pala ma-take ng TV host ang nasaksihang pandaraya ng mga taong involved sa likod ng game show.
Nag-confide raw sa kanya ang TV host na bukung-buko nito ang ginagawang pan daraya ng mga staff sa likod ng game show para hindi mapanalunan ng contestant ang jackpot prize.
Dagdag pa ng source, sa isang episode daw ng game show ay inaasahan ng TV host na mapapanalunan ng contestant ng araw na ‘yun ang jackpot prize. Pero hindi raw ‘yun nangyari dahil may ginawang “milagro” ang kung sinumang namamahala ng programa.
Nalaman daw ng nakausap ng source namin na binago bigla ang huling katanungang sasagutin ng contestant dahil naiba sa tanong na nakita mismo ng TV host na tantiyadong madaling masasagot ng contestant.
Pinalitan ang tanong kaya nahirapang sagutin ng contestant, kaya ang ending, siyempre, umuwi itong luhaan.
“Ang akala siguro nila, eh, hindi magre-react si _______ (TV host), pero hindi lang nila alam, ayaw na ayaw niya sa dayaan. Kumbaga, kahit mawalan siya ng show basta hindi siya uusigin ng konsensiya niya,” sey pa ng source namin.