NI: Leandro Alborote

TARLAC CITY - Mapait na karanasan ang sinapit ng isang ginang matapos siyang kaladkarin ng kanyang kapitbahay at halayin sa harap ng anim na taong gulang niyang anak sa Don Pepe Cojuangco Homesite, Barangay Cut-Cut 2nd, Tarlac City, nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ni PO1 Maria Cristina Mendoza kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, suspek sa panghahalay sa 29-anyos na ginang si Leonardo Cadena, alyas “Boy”, 63, may asawa, ng Bgy. Cut-Cut 2nd, Tarlac City, na patuloy pang pinaghahanap ng pulisya.

Martes ng tanghali at naglalakad ang mag-ina sa kalsada nang harangin umano sila ni Cadena at puwersahang isinakay sa motorsiklo at dinala sa isang lugar sa Don Pepe Cojuangco Homesite.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa report, sinikmuraan umano ng suspek ang ginang kaya nawalan ito ng malay, kaya nagawa itong halayin ng suspek sa harap ng anak ng biktima.