AIZA AT CHARICE copy copy

Ni NITZ MIRALLES

PARA na ring ipinagtanggol ni Aiza Seguerra si Jake Zyrus (formerly known as Charice Pempengco) sa sagot niya sa comment ng isang netizen na, bakit daw si Aiza, lesbian din, pero hindi nagpalit ng pangalan?

Sagot ni Aiza: “I’m not lesbian. I’m also a transman like Jake. Change of name? Not now. But hindi malabong mangyari iyon sa future.”

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

May comment pa si Aiza na, “Kung ang pangalan ay isa lamang hadlang sa pagpapalaya ng totoo mong pagkatao, wala akong nakikita masama sa pagpapalit nito. #congratsjake.”

Samantala, may bago na namang position si Aiza sa gobyerno na hindi ikinatuwa ng mga anti-Duterte. In-appoint siya ni President Rody Duterte bilang bagong board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong June 14.

Nauna rito, in-appoint din si Aiza bilang chairman ng National Youth Commission. Bakit daw laging si Aiza na lang ang ina-appoint ni Pres. Duterte?