bowling copy

Ni Brian Yalung

NANGIBABAW ang kahusayan nina Patrick Nuqui (Mixed Open), Tony Gamo (Mixed Classified), Ed Menapace (Open Seniors) at Art Barrientos (Mixed Youth) sa pagtatapos ng 37th Pasig Bowlers Open Championships kamakailan sa Sta. Lucia East Grand Mall Bowling Center.

Nagwagi si Gamo sa step-ladder format ng Open Mixed Classified division sa naiskor na 217 at 226 para gapiin sina Mheann Sanders (188 at 195) at Babam Garcia ng PBA.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nangibabaw naman si Barrientos ng TBAM Prima sa Open Youth division tangan ang average na 244.75 puntos sa walong laro at maungusan sina Marc Custodio (231.75) at Enzo Hernandez (229.75).

Nadomina naman ni Menapace ang Mixed Seniors class sa naiskor na 245.25 average para madapi sina Jack Interia (237.62) at Nelia Santos (225.5).

Pinagbidahan ni Nuqui ang open division laban sa kasangga sa PBA-Nobeland na si Anton Marquez sa naiskor na 203 at 267.

Nakiisa ang Manila Bulletin Sports Online, Tempo at Balita sa torneo bilang media partner.