Ni JIMI ESCALA
NILINAW sa amin ng isang kapwa mang-aawit at super best friend ni Sarah Geronimo na hindi naman na raw nakikialam sina Mommy Divine at Daddy Delfin sa relasyon nina Sarah at Matteo Guidicelli.
Hinahayaan na raw naman ng parents ang popstar sa pagdedesisyon ngayon para sa sarili at sa career. Bago ang nangyayari o impormasyong ito kumpara sa palaging nasusulat na hindi pa rin malaya si Sarah sa kontrol ng mga magulang.
Sa kabilang banda, welcome na welcome si Sarah sa pamilya ni Matteo at sa katunayan ay magkasama ang dalawa kamakailan nang mag-celebrate ng kaarawan ang ina ni Matteo na si Gng. Glenna Guidicelli.
“Sa totoo lang, smooth sailing ang relasyon ng dalawa ngayon at ako mismo, eh, naniniwala na sila na nga ang magkatuluyan,” sey ng aming very reliable source.
This coming July 25 ang 29th birthday ni Sarah na ngayong pa lang daw ay unti-unti nang pinaghahandaan ni Matteo.
Samantala, magiging busy na rin si Sarah sa susunod na mga araw dahil uumpisahan na ang shooting ng pelikulang muli nilang pagsasamahan ni John Lloyd Cruz.