Ni: Fer Taboy

Patay ang isang 69-anyos na babae makaraang palakulin sa ulo at sa iba pang parte ng katawan, habang nasugatan naman ang anak niyang babae sa pag-aamok ng isang umano’y bangag na construction worker sa Surigao City, Surigao Del Norte, kahapon ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon ng Surigao City Police Office (SCPO), inihahanda na ang kasong murder at attempted murder laban kay Joel Peroblanca Dalugdugan, 43, na itinuturong pumatay kay Norma Ebon Mondero, habang nasugatan naman ang anak nitong si Emily Dean Morillon, 25, may asawa, na ginagamot pa sa ospital.

Batay sa imbestigasyon, nagkakape lang ang matanda nang biglang paghahatawin ng palakol ni Dalugdugan sa Purok 1-A sa Barangay San Juan, at napasigaw si Morillon sa sinapit ng ina kaya siya naman ang napagbalingan at pinagpapalakol ng suspek.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Sa pagsisiyasat ng pulisya, inamin umano ng suspek na gumagamit siya ng droga kaya niya nagawang palakulin ang mag-ina.