Human flag_Aguirre copy

Ni: Jun N. Aguirre

KALIBO, Aklan - Tinatayang umaabot sa 1,140 estudyante at guro ng Regional Science High School ang bumuo ng human flag kasabay ng pagdarasal para sa kapayapaan sa Marawi City.

Ayon kay Josephine Vicente, adviser ng Supreme Student Government, binuo nila ang human flag bilang paggunita sa ika-156 na anibersaryo ng kapanganakan ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal kahapon.

Trending

'Vets are also doctors!' Beterinaryo 'minaliit' daw ng isang doktor, umani ng reaksiyon

Bukod dito, ang Hunyo ay National Flag Month.

Nagsagawa rin ang mga estudyante ng candle lighting ceremony at pagdarasal para sa kapayapaan sa Mindanao.

Isinabay sa lingguhang flag ceremony ng paaralan, ipinagdasal din ng eskuwelahan na makabalik na sana at makapamuhay nang normal ang mga estudyante ng Marawi.