Ni NORA CALDERON

MASAYA at touching din ang celebration ng Father’s Day sa Eat Bulaga last Saturday. Pinagsama-sama ng show ang mga tandem ng mag-aama sa opening number. Nauna si Bae Baste at ang kanyang Daddy Sol, a policeman, sa isang song number. Sinundan ito ng That’s My Bae winner na si Kenneth at ang Daddy Glen niya sa isang dance number, That’s My Hero winner Blaster and his Daddy A.

Alden at Maine
Alden at Maine
Nag-duet naman ang mag-amang Alden Richards at Daddy Bae (Richard Faulkerson) ng Love Never Felt So Good na sinundan ng dance number. Dance number din ang ginawa nina Maine Mendoza and her Tatay Dub (Teddy Mendoza). Napag-alaman namin na noong umagang iyon lang nag-rehearse ang apat.

Heto na ang maganda, nang pabatiin na sila ng Dabarkads. Nagtawanan nang si Tatay Dub ang nilapitan at binati ng Happy Father’s Day ni Alden sabay mano. Nalilito raw siya kung sino ang tatay niya. Bago naman iyon, nagmano rin si Maine kay Daddy Bae.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Si Alden muna ang bumati kay Daddy Bae, at nagpasalamat sa suporta sa kanya ng ama, mahal na mahal daw niya ito at biniro ang ama na susuportahan niya ang pagsi-selfie na hilig daw nitong gawin at ipino-post sa Twitter.

“Alden, sana maging father ka na rin,” sabi ni Daddy Bae na ikinagulat ni Alden. “Maraming salamat sa lahat ng mga ginagawa mo sa amin ng mga kapatid mo, tulad ng isang ama, narito lamang ako sa likod mo, kami ng mga kapatid mo, lubos ang suporta namin sa iyo.”

Maging si Maine ay halatang nagulat din sa sinabi ni Daddy Bae.

At si Tatay Dub naman, “Dadagdagan ko pa ba ang sermon? Maine, kulang pa si Matti (nephew ni Maine sa sister niyang si Nikki), nalulungkot si Nanay Dub (Mary Ann Mendoza) ‘pag wala siya sa bahay.

“Maine, maraming salamat sa kasiyahang ibinibigay mo sa amin at sa mga fans mo” na sinagot naman ni Maine ng “Happy Father’s Day, Tatay at maraming salamat sa pagmamahal na ibinibigay mo sa aming limang magkakapatid.”

Litung-lito rin si Maine sa mga usapan tungkol sa kanila ni Alden kaya nang lumapit kay Alden, tinawag niya itong “Papa”. Hayun, palakasan ng tili ang live audience sa loob ng studio.

Tuloy ang tanong, ano pa raw ang hinihintay ng dalawa, kasalan na raw. Nagbiro pa si Allan ng “Paano ang swimsuit kung mabuntis?” sabay kurot sa cheek ni Alden at pagsasabing “suportado kita diyan.”

Masayang-masaya ang lahat ng mga tao sa studio sa naging takbo ng usap-usapan tungkol kina Alden at Maine, biruan man o totohanan. Ipinu-focus din si Nanay Dub na busy sa pagkuha ng video sa nangyayari sa loob ng studio.

Sa lahat po ng mga tatay sa buong mundo, “Belated Happy Father’s Day” sa inyong lahat.