ONYOK AT COCO copy copy

Ni: Reggee Bonoan

ANG lakas pala talaga ng presensiya ni Xymon Ezequiel Pineda na mas kilala bilang si Onyok ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ilang beses na kaming kinukulit ng mga batang anak ng mga kaibigan namin kung kailan babalik sa aksiyon-serye ang anak-anakan ni Cardo Dalisay (Coco Martin).

Trending

'7 years over 2 weeks:' Girlfriend, pinagpalit umano ng boyfriend niya sa co-teacher nito

Nu’ng una, hindi namin masyadong pinapansin ang ilang bata, pati mga magulang nila, na kapitbahay namin na laging nagtatanong at ang lagi lang naming sagot, ‘pasukan na, baka hindi kayang pagsabayin ang school at showbiz.’

Nagbibiro din kami ng, ‘Siya kasi ang gaganap na Ding sa Darna.’

Hanggang sa pati mga anak nga ng mga kaibigan namin at maging mga kamag-anak sa ibang bansa ay nag-uusisa na rin kung bakit inalis na ang bagets sa FPJAP. Kaya nagtanung-tanong na kami sa production.

Wala pa raw napipiling Ding at sa katunayan ay magpapa-audition daw ng bagong mukha para sa Darna movie ni Liza Soberano (na sa 2018 mapapanood dahil hindi na matatapos ang shooting ngayong taon).

Bigla na rin tuloy kaming napaisip, bakit nga ba inalis na si Onyok sa FPJ’s Ang Probinsyano?

Naaaliw naman ang mga batang nanonood kina Paquito, Dang at Ligaya plus MakMak, pero iba raw kapag nasa eksena si Onyok. ‘Ayos’, di ba, Bossing DMB? (Ayos! –DMB)

As of press time, hindi pa rin namin nalalaman ang tunay na dahilan ng pagkawala ni Onyok sa aksiyon-serye. Pero isusulat namin agad para sa kaalaman ng mga nag-uusisa.

Samantala, masyadong seryoso ang kuwento ng Probinsyano na umeere ngayon dahil tungkol ito sa terorista na kasalukuyang nangyayari ngayon sa Marawi City. Mas lalo pang naging interesting at higit sa lahat, hindi pa rin makalipad nang husto ang mga taong-ibon na katapat ni Cardo sa kabilang channel.