JOLO AT JODI copy copy

Ni NITZ MIRALLES

SA birthday message ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla kay Jodi Sta. Maria, parang hindi sila nag-break. May nag-break bang ganito ang mensahe?

“To my partner and best friend, thank you for inspiring me everyday, you’re really a woman of purpose. Always stay humble and continue to inspire others as well. Happy Birthday! I love you!”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

O, di ba? “My partner” ang tawag ni Jolo kay Jodi at may pa-“I love you” pa siya sa aktres.

Paanong sasabihing nag-break sila?

Baka naman nagkaroon lang ng lover’s quarrel at inakalang naghiwalay na naman ang dalawa.

Birthday ni Jodi noong June 16, kaya may birthday message sa kanya si Jolo na marami ang nakabasa dahil idinaan sa Facebook. Naging rason din ‘yun para tuksuhin si Jolo na sweet daw kay Jodi. Marami rin ang natuwa na “sila” pa rin at hindi sila naghihiwalay.