SOFIA copy copy

Ni: Reggee Bonoan

OPISYAL nang ipinakilala sa media ang tatlumpong kandidata para sa Miss Manila 2017 nitong nakaraang Huwebes sa Manila Hotel sa pangunguna ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada, Viva Boss Vic del Rosario, at MARE Chairperson and Pageant Director Jackie Ejercito.

May kanya-kanyang angking talino’t ganda ang mga kandidata na gustong masungkit ang titulong Miss Manila na gaganapin sa Araw ng Maynila, Hunyo 24 (Sabado) sa Philippine International Convention Center (PICC), 7 PM at mapapanood naman sa Sunday’s Best ng ABS-CBN pagkatapos ng Gandang Gabi Vice, Hunyo 25 (Linggo).

Human-Interest

'Puro kayo Labubu, mas masaya to!' Paper dolls noong 90s, naghatid ng nostalgia

Nagmarka sa media launch sina Joanna Rose (candidate number 5) ng Tolledo-Sta. Mesa; Sofia Sibug (#7) ng Malate; Maria Gail D. Tobes (#11) ng San Andres; Naelah Alshorbaji Almazik (#21) ng Sta. Mesa, at Princess Bautista (#22) ng San Andres.

Pamilyar ang kandidatang si Sofia Sibug dahil commercial model siya at kabilang na sa Star Magic Talents ng ABS-CBN na may screen name na Sofia Romero.

Marami ang nakapansin na may hawig si Sofia kina Angel Locsin at Margie Moran at sa ganda at tindig nitong 5’7” ay hindi malayong tanghalin siyang Miss Manila.

Edad 22 si Sofia na third year sa kursong Hotel Administration sa Enderun Colleges, Taguig City.

Lalong hinangaan si Sofia sa Q and A portion dahil nasagot niya ng maayos ang lahat ng tanong sa kanya ng press.

Kung papalaring manalo bilang Miss Manila, pangarap ni Sofia na sumali rin sa national Miss World Philippines at Binibining Pilipinas.

Ang mananalong Miss Manila ay tutulong sa promotion ng turismo ng Maynila, magiging kinatawan sa lahat ng charity programs o community services projects on education, feeding programs benefiting the non-profit institution MARE Foundation at iba pang kawanggawa.

Mapapanalunan ng tatanghaling Miss Manila ay kabuuang isang milyong worth of prizes, management contract from Viva at P500,000 cash. Ang 1st runner-up ay mag-uuwi ng P350,000 cash; 2nd runner-up, P250,000; 3rd runner-up, P150,000 at 4th runner-up, P100,000 at management contract with Viva.

Ang Miss Manila pageant ay sponsored ng AMA Education System, Manila Hotel, Jim Ryan ros Hair and Make-up, Nisce Skin N Face official skin provider, media partners, Philippine Star, Peoples Journal and Peoples Tonight, Official TV Partners, PBO, Viva TV and TMC and special thanks to Jollibee.