By: Cover Media
NAKALIMUTAN na ni Drew Barrymore ang sakit ng pakikipagdiborsiyo at nakatagpo ng bagong pagmamahal.
Tahimik na lumalabas si Drew kasama si David Hutchinson, ang senior president ng kumpanyang Maesa, na gumagawa ng Flower Beauty products ng aktres, ayon sa gossip column na Page Six ng New York Post.
Bukod sa pag-tag ni Drew kay David sa ilang Instagram posts niya kamakailan, nakita rin ang dalawa sa Palm Springs nitong nakaraang weekend nang dumalo sa isang kasal, sabi ng source. Nag-dinner din ang dalawa sa Cheeky’s restaurant habang nasa Californian city.
Itinatag ni Drew ang Flower Beauty noong 2013 at naging matagumpay ang brand, naglunsad ng isang magazine at isang e-commerce site, at nag-expand din sa Mexico.
Lumutang ang mga balita tungkol sa bagong pag-ibig ni Drew matapos mabigo ang kanilang kasal ni Will Kopelman, ang ama ng kanyang mga anak na sina Olive at Frankie, noong Abril 2016. Naisapinal ang kanilang diborsiyo noong Agosto.
Sa isang panayam, inamin ni Drew na dinamdam niya ang paghihiwalay nilang mag-asawa.
“We’re all going through so much,” aniya sa PopSugar. “It’s blessings; it’s lessons; it’s hardship; it’s life.”
Ngunit umasa ang ever-optimistic star na nalagpasan na niya ang unos. “I always want to gravitate towards light. I love picking yourself up or surviving or being grateful for the good stuff and not getting lost in the tough stuff.
The discipline is so natural for me.”
Gayunman, inamin niya na naging napakahirap ng taong iyon, idinugtong na: “I tried to put on a brave face. Happiness takes work. It doesn’t always fall off trees or come easily.”
“You really have to be someone that doesn’t fall prey to being sad. I don’t want sad, I can’t be sad, I don’t want to be about sad; I avoid sad. It inherently envelops you, so do everything that you can to escape it all the time.”