Ni: Brian Yalung

NAKOPO ng Mini Cooper Team ang overall championship sa Petron Mabuhay Independence Rally matapos pagbidahan ang novice class at sumegunda sa Pro class nitong Lunes sa L’entrecote, Burgos Circle sa BGC, Taguig.

Binubuo nina Charles Mondragon, Alexis Angeles at Stuart Sampson, nanguna ang Mini Cooper sa Novice class sa iskor na 891 demerits. Nakabuntot ang Team Bong Africa at Team Mico Almazan na parehong may iskor na 1,186.

Sa Pro class, nangibabaw naman ang grupo nina Ray Reyes, Paula Reyes, Denise Reyes at Justin Reyes tangan ang 1,106 demerits. Sumegunda ang Mini Team nina Joel Lago, Milo Rivera, Janferds Balois at Jerald Valdez na may 1,174.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa kabuuan ang Team Mini Cooper ang tinanghal na overall champion sa karera kasunod ang Dizonix at Go Flat Out.

“I take off my cap to all those who took the challenge and finish the Petron Mabuhay Independence Rally. It takes a lot of nerve and bravery to do what they did. There will always be new TSD rallies but never another FIRST Mabuhay Independence Rally!”