SUE copy copy

Ni: JIMI ESCALA

KAHIT napakarami nang naging project, aminado si Sue Ramirez na wala pa siyang gaanong napapatunayan sa showbiz. Para sa kanya, baguhan pa rin siya na handang makipagsapalaran sa mundo ng recording, pelikula at telebisyon.

Kaya napakasaya niya na napasama uli siya sa serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na una niyang nakasama sa Pangako Sa ‘Yo.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Siyempre malaki ang pasasalamat ko dahil kasama ako dito sa ‘La Luna Sangre. Una siyempre very thankful ako kay Lord. Sobrang thankful ako to be working again with KathNiel,” sey ni Sue.

Para sa kanya, big break nang isinama siya sa La Luna Sangre dahil nabigyan siya ng pagkakataon na muling maidirek ni Cathy Garcia-Molina.

“Sobrang espesyal talaga sa akin na makakatrabaho ko ulit si Direk Cathy na sobrang wish ko talaga noon pa na maka-work ko ulit. And siyempre, thankful din naman ako sa Star Creatives sa tiwala nila sa akin ulit to be part of a KathNiel project. For me, I am so very blessed,” sey ni Sue.

Kuwento ni Sue, nakatatandang kapatid ni Kathryn ang role niya sa La Luna Sangre.

“Kakaiba siya dahil sa Pangako Sa ‘Yo sa side ako ni Daniel, ngayon naman, eh, kay Kathryn naman ako at hindi ako ang third party dito. Magiging ate ako ni Kath at kami ‘yung mag-aalaga sa kanya and make sure na magiging safe siya,” lahad pa ni Sue.

Challenging ba ang papel niya sa serye?

“Well, mature ang role ko dito, mas matanda ‘yung role ko sa totoong edad ko. And for me, ‘yun ang nakikita kong challenge sa akin,” napatawang banggit ng young actress.

Ang nagbabalik Kapamilyang si Joross Gamboa ang kapareha ni Sue sa La Luna Sangre. Kamusta naman itong katrabaho?

“Well, okey naman. He reminds me of my brother. Pareho kaming hindi mapakali kung walang ginagawa. Talagang naalala ko sa kanya ang kuya ko, as in sobra kong nakikita sa kanya ang kapatid ko,” sagot ni Sue.

Bukod sa acting, unti-unti na ring gumaganda ang singing career ni Sue. Childhood dream niya ang singing, pero mas nabibigyan siya ng assignment sa acting.

Kaya masayang-masaya si Sue na unti-unti nang napapansin ang talent niya sa pagkanta. Katunayan, magkakaroon siya ng concert sa July 8 titled 4 of A Kind: The Unforgettable Concert kasama sina Kristel Fulgar, Maris Racal at Loisa Andalio produced ng Hills & Dreams Concepts Co in partnership with EG ENGO.