Ni: REGGEE BONOAN

MUKHANG dumarami ang kaaway ng kilalang aktres dahil sa mga ipinagpo-post niya sa social media na update sa kalagayan niya.

Matagal nang bina-bash ang kilalang aktres dahil sa posts niya na hindi nagugutushan ng netizens at ng management agency na rin niya dahil halos wala na siyang itinago sa sarili at sa personal na buhay.

Lumalabas na cheapanga ang kilalang aktres dahil sa posts niya at ang masama pa ay sinasagot niya ang bashers, kaya lalong natu-turn off ang ilang advertisers na gusto sana siyang kunin.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

“Wala siyang show ngayon, huh, dapat umayos siya. Eh, kung anu-ano’ng pinagpo-post na hindi naman nakakatulong sa kanya,” say ng executive na nakatsikahan namin.

“Depress lang kaya post nang post,” dagdag pa nito.

Kamakailan ay nakitang sa sikat na resto-bar ang aktres, medyo naparami ang inom at marami ang nakasaksi sa ladies room na nagduduwal na hindi naman matuloy.

Ang siste, agad nai-post sa social media ng mga nakakita sa kanya ang sitwasyon niya, bagay na itinanggi niya.

Sana kinunan ng litrato ang pagdududuwal ng kilalang aktres para hindi na siya makatanggi.