BORACAY ISLAND – Simula sa Hulyo 15, 2017 ay ipagbabawal na ang pagbibitbit ng mga plastics bag at styrofoam sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

Ayon kay Jimmy Maming, executive assistant to the Office of the Mayor ng Malay, simula sa Hulyo 15 ay kukumpiskahin ng munisipyo ang plastic bag o styrofoam na bibitbitin sa isla.

Enero 2018 namang magsisimula ang paniningil ng penalty na P1,500 sa unang paglabag, P2,000 sa pangalawa, at P2,500 at anim na buwang pagkakulong sa pangatlong paglabag. (Jun N. Aguirre)
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol