ni Bella Gamotea

Mananatiling naka-full alert ang mga pulis sa Metro Manila para sa mga nakalinyang kaganapan, kabilang na ang paggunita ngayon sa Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas at ang nalalapit na konsiyerto ni international pop star Britney Spears sa SM Mall of Asia, sa Pasay City.

Ito ang inihayag kahapon sa media ni National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson, Chief Insp. Kimberly Molitas.

“We will celebrate with the nation our 112th Independence Day by remaining on full alert,” ani Molitas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Lahat ng paghahanda sa seguridad ay mananatiling nakalatag sa mga lugar, dagdag niya.

Nilinaw ni Molitas na ang mga protocol na itinakda ng Southern Police District (SPD) at ng events organizer sa concert ni Spears ay ipatutupad.

“We wish to emphasize that the success of security in any event is a collective effort, hence, cooperation is requested from all stakeholders,” dugtong niya.