Kalaboso ang walong katao na naaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal sa Tondo, Maynila kamakalawa. Apat din sa kanila ang nakuhanan ng ilegal na droga.

Kinilala ang mga inaresto na sina Armando Turla, 36; Charlito Rebadulla, 34; Edgardo Agbulos, 23; Jaycelle Morales, 21; Darwin Perez, 40; Joseph Briones, 33; Robert Villafria, 38; at Ronald Garcia, 36, pawang taga-Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 10:30 ng gabi nang maaktuhan ng mga nagpapatrulyang pulis na naglalaro ng cara y cruz ang mga suspek sa riles sa Pilar Street, sa Tondo.

Dahil dito, agad nilapitan at inaresto ang mga suspek at nang kapkapan, nakuha kina Turla, Rebadulla, Agbulos at Morales ang umano’y shabu.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek. (Mary Ann Santiago)