Hindi na nagising pa sa pagkakatulog ang isang lalaki, na sinasabing sugapa sa shabu, makaraang pagbabarilin ng anim na lalaki sa harap ng bahay nito sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot si Randy Dominguez na nasa hustong gulang at residente ng Katarungan Street, Barangay Caniogan.
Sa salaysay ni Rommel Antiquina, saksi, dakong 10:30 ng gabi nangyari ang pamamaril.
Natutulog umano si Dominguez sa ibabaw ng mesa sa tapat ng kanyang bahay nang paulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang armado, pawang nakasuot ng helmet at lulan sa motorsiklo, at mabilis na tumakas.
Ayon sa awtoridad, posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang pamamaslang nang madiskubreng kabilang sa drug watch list ang biktima. (Mary Ann Santiago)