Richard copy

SA grand presscon ng La Luna Sangre, hindi ikinahiya ni Daniel Padilla na amining pinapanood niya si Richard Gutierrez noong umiere sa Siyete ang orig na telefantasyang Mulawin, mahigit sampung taon na ang nakararaan.

Agad naman nagbigay ng reaksiyon ang bagong Kapamilya actor.

Sabi ni Richard, masaya siya na nalaman niyang nakapagbigay siya ng inspirasyon sa ilang manonood at kasama na rito si DJ, na isa na ngayong sikat na aktor at kasa-kasama na niya sa La Luna Sangre, na mapapanood na simula sa June 19.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Maraming salamat kay Daniel. Natutuwa ako na ‘yung mga nagawa ko before na shows napanood niya and kahit papaano na-inspire ko rin siya, so masarap ang pakiramdam na may effect na gano’n. And I’m sure si Daniel ngayon sa posisyon niya, in the future, gano’n din ang magiging effect niya sa mga future stars. Siguro it’s just passing on the torch, di ba? So, nakakatuwa lang,” pahayag ni Richard.

Ipinahayag din ni Richard ang excitement na makasama sina Daniel at Kathryn Bernardo sa La Luna Sangre.

“Alam naman natin this generation sila talaga ‘yung ultimate love team, so I am happy that I am working with them.”

Bilang isa sa mga showbiz personalities na sumikat at sa katunayan ay masasabing isa sa biggest matinee idols ng previous generation, may konting advice ang huli sa numero unong Kapamilya love team.

“Siyempre at this point in their lives marami silang ma-meet na mga tao, huwag lang nila malilimutan ‘yung mga taong nakatulong sa kanila in the past and just to stay humble and God-fearing,” aniya.

Itinuturing ni Richard also na blessing din ang muli niyang pakikipagtrabaho sa kanyang dating onscreen partner na si Angel Locsin.

(Editor’s note: For the record, ang tambalan nina Angel at Richard ang tumalo noon sa pagiging No. 1 ng ABS-CBN.)

(Ador Saluta)