Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pre-trial ni dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa kasong graft kaugnay sa pork barrel fund scam.
Kinansela ng korte ang sana’y pre-trial kahapon matapos ipaalam sa hukuman ng mga abugado ng iba pang akusado sa kaso na hindi pa sila natatapos sa pagmamarka ng mga ebidensiya.
Inatasan din ng korte si Revilla at iba pang akusado na dumalo sa mga preliminary conference sa Hulyo 31, Agosto 1 at 2, upang malaman kung magkakaroon ng formal legal acknowledgement ang magkabilang panig bago ang paglilitis sa kaso.
Muling itinakda ang pre-trial sa Agosto 10. (Rommel P. Tabbad)